Welcome
Announcements!

Our new forum is located at:
www.pinoydesign.net

or

http://forums.pinoydesign.net

Thank you!

Role Plays (Tagalog Version)

FORUM RPG

Role Plays (Tagalog Version)

Postby chayd on Wed Feb 18, 2009 4:25 am

(Adopted from Dragon Cave Role Plays Rule)

Title: LABAN

Walang Mala-Diyos na kapangyarihan (Pagkontrol sa ibang manlalaro o pagkontrol ng tadhana ng iba ng walang permiso)

Walang Sobrang Lakas(Pag aksiyon ng napakalakas na parang si Son Goku)

No Spamming(Stupid Pointless Annoying Messages)

No flaming(being mean to others. In real life I mean.)

No profanity(Make it PG-13, aight?)

Beginning:
Matagal ng magkakaaway ang tatlong Clan ng Bansang Sanip, Ngunit nagka-isa ang mga ito magmula nang sakupin ng Bansang Jap ang kanilang bansa. Tinutugis ang bawat makitang Sanipian ng mga Japian, kaya karamihan sa kanila ay sa mga liblib na lugar, bundok at kuweba na nakatira. Sa isang liblib na lugar na tinatawag na Barto may isang panday na nagbebenta ng mga armas siya si Ronio, sa ibabaw ng bundok ng Apayao; halos kahit anong mga armas ay makikita rito. May paparating... (Let the story begin...)

Post your Form first (to join)

IGN:
Clan: (Zul, Siv, Nim)
Age:
Character Description:
Last edited by chayd on Thu Feb 19, 2009 11:44 pm, edited 3 times in total.
User avatar
chayd
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 777
Joined: Thu Apr 26, 2007 4:45 am

Postby chayd on Wed Feb 18, 2009 4:34 am

IGN: chayd
Clan: Zul
Age: 26
Character Description: Isang Binata na nakaligtas sa pagsunog ng mga Japian sa kanilang maliit na barangay, nagnanais na labanan at tapusin ang lider ng Japian na si Emok.


-----------------------------------------------------------------

.... si chayd. Tatlong araw na niyang hinahanap ang nasabing panday upang makabili man lang siya ng isang maliit na espada upang kahit paano ay makapaslang man lang siya ng isang Japian. "Magkano po ba ang pinakamura ninyong espada?" tanong ni chayd, "Kailangan mo ng Bigas upang makabili sa aking mga paninda." Sagot naman ni Ronio.

Yumuko ang binata at tinignan ang palad na may hawak na pitong piso, umalis ang binata na may lungkot sa kanyang mga mata. Habang papauwi siya ..... (Your turn)
User avatar
chayd
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 777
Joined: Thu Apr 26, 2007 4:45 am

dranyer

Postby dranyer_14 on Wed Feb 18, 2009 7:00 am

IGN: dranyer
Clan: Zul
Age: 20
Character Description: isang manggagamot na hindi na muling ginamit ang kanyang kakayanan manggamot matapos ang insidente ng pagsunog ng mga Japian. Hindi niya nagawang iligtas ang kanyang mga kaibigan at pinipilit sisihin ang sarili dahil hindi niya nailigtas ang mga ito. Naghahanap ng katarungan sa pamamagitan ng pagkitil sa buhay ng mga Japian at gagamitin ang kanyang gamot upang lasunin ang mga ito.

... nasa palengke at bumibili ng Morpina sa mga Itim na Tao. Ng hindi siya napagbigyan, ginamit niya ang ang simoy ng Opium upang patulugin ang mga Itim na Tao at kinuha ang 33 Morpina.
dranyer_14
Level 1
Level 1
 
Posts: 14
Joined: Sun Oct 21, 2007 11:01 am

Postby Aras on Wed Feb 18, 2009 10:27 am

IGN: Aras
Clan: Zul
Age: 23
Character Description:Isang binata na nasawi ang mga mahal sa buhay ng sunugin ang kanilang barangay na nagnanais mghiganti laban kay EMOK...


...naghahanap ng mga bagay na mapapakinabangan na pedeng gawing sandata sa nasunog na barangay
Aras
Level 2
Level 2
 
Posts: 50
Joined: Tue Apr 01, 2008 9:40 am

Postby JuDaZ13th on Wed Feb 18, 2009 8:17 pm

IGN: emorej
Clan:
Age: 19
Character Description: Isang Tao na bihasa sa apat na elemento
lupa,hangin,tubig, at apoy. tagapagbantay ng isang makapangyarihang stone artifact na kuntawagin ay "BLOODSTONE"


-----------------------------------------------------------------

si Emok at ang kanyang mga mandirigma ng Japian ay pumunta sa bundok ng Apayao upang kunin ang makapangyarihang BLOODSTONE upang magkaroon ng matinding kapangyarihan para masakop ang buong mundo
JuDaZ13th
Level 1
Level 1
 
Posts: 10
Joined: Fri Apr 11, 2008 4:38 pm

Postby chayd on Wed Feb 18, 2009 11:47 pm

... may narinig si chayd. "Mga Japian! pagkakataon ko na ito para makapaslang kahit isa man lang sa kanila, ngunit paano ako makakalapit gayong kasama nila si EMOK!" sabi sa sarili ni chayd. Tumahimik ang mga kawal at biglang nagsalita ang ganid nilang lider "Dito sa bundok ng Apayao natin matatagpuan ang sinasabi nilang BLOODSTONE ang sinumang makakita ng batong iyon ay siya ang aking magiging Heneral ng ikatlong batalyon sa isla ng Luzon!

Nagniningas sa galit habang patagong naririnig ni chayd ang boses ni EMOK, ngunit walang magawa dahil nag-iisa lang siya at wala man lang sandata.
User avatar
chayd
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 777
Joined: Thu Apr 26, 2007 4:45 am

Postby dranyer_14 on Thu Feb 19, 2009 3:11 pm

sa paglalakad ng manggagamot sa baba ng bundok, napansin nya ang mga kawal at ang kanilang leader na tila taklob ng buhok ang isang mata.
dranyer_14
Level 1
Level 1
 
Posts: 14
Joined: Sun Oct 21, 2007 11:01 am

Postby chayd on Fri Feb 20, 2009 12:09 am

Umiwas muna ang binata, hanggang sa makababa siya ng bundok.
May isang tao siyang nakita, Hindi Japian kundi isang Sanipian.
Nagtanong ang binata, "Isa po ba kayong manggagamot?
User avatar
chayd
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 777
Joined: Thu Apr 26, 2007 4:45 am

Postby JuDaZ13th on Fri Feb 20, 2009 3:29 am

Sa tuktok ng bundok kung saan nakalagak ang BLOODSTONE tanaw ng tagapagbantay na si emorej ang hukbo ni Emok at ang dalawang binata sa ibaba,Siya ay napangiti tila handa na labanan ang sinuman na magtatangkang kumuha ng BLOODSTONE
JuDaZ13th
Level 1
Level 1
 
Posts: 10
Joined: Fri Apr 11, 2008 4:38 pm

Postby dranyer_14 on Fri Feb 20, 2009 1:00 pm

chayd wrote:Umiwas muna ang binata, hanggang sa makababa siya ng bundok.
May isang tao siyang nakita, Hindi Japian kundi isang Sanipian.
Nagtanong ang binata, "Isa po ba kayong manggagamot?


sumagot ang manggagamot "sino ka at ano ang iyong kailangan? nais mo bang magpagamot? huh, kailangan mo muna ng kalansing sa bulsa para gamutin kita"

napansin ng manggagamot na isang Sanipian ang kanyang kaharap at ihinagis nya ang kanyang tubig sa estrangherong Sanipian.

"eto ang tubig,. tila uhaw na uhaw ka sa iyong paglalakbay, napansin mo ba ang mga bubwit na kawal na dumaan? isa ka ba sa kanila ha?
dranyer_14
Level 1
Level 1
 
Posts: 14
Joined: Sun Oct 21, 2007 11:01 am

Postby chayd on Sat Feb 21, 2009 4:55 am

Nagkakamali po kayo, isa rin po akong sanipian na kagaya ninyo. Salamat po sa tubig at uhaw na uhaw na talaga ako. Di rin po ako magpapagamot, napansin ko po kasi ang inyong kasuotan ay halos kagaya ng kasuotan ng dating manggagamot sa aming maliit na barangay. Sagot ni chayd.
User avatar
chayd
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 777
Joined: Thu Apr 26, 2007 4:45 am

Postby dranyer_14 on Sat Feb 21, 2009 2:06 pm

chayd wrote:Nagkakamali po kayo, isa rin po akong sanipian na kagaya ninyo. Salamat po sa tubig at uhaw na uhaw na talaga ako. Di rin po ako magpapagamot, napansin ko po kasi ang inyong kasuotan ay halos kagaya ng kasuotan ng dating manggagamot sa aming maliit na barangay. Sagot ni chayd.


Napansin ni Dranyer na walang dalang espada ang Sanipian. "Ano ang mayroon sa lalaking ito? Wala man lang siyang hawak na armas. At ang aking balabal, nagiisa lang ito sa buong Sanip. Hindi kaya....", bulong ni Dranyer.

"Isa kang Sanipian? Ano ang ginagawa ng isang Sanipian na wala man lang hawak na sandata sa mapanganib na gubat na ito?" sagot ni Dranyer.
"Nakita mo ba ang mga Japian na dumaan? Maaari ka nilang tapusin anumang oras. Maswerte ka, hindi ikaw ang pakay nila. At ang aking kasuotan, kung hindi ako nagkakamali isa ka sa mga....."

Nagbalik ang alaala ni Dranyer sa pagsunog ng Zul. Hindi maalis sa kanyang isip ang tunog ng liyab na tumupok sa kanyang mga kaibigan. Kitang kita ang dugo na tumutulo sa nakasaradong palad ng manggagamot.
dranyer_14
Level 1
Level 1
 
Posts: 14
Joined: Sun Oct 21, 2007 11:01 am

Postby kakashi288 on Sun Feb 22, 2009 11:29 am

IGN: kakashi288
Clan: Zul
Age: 17
Character Description: Isang Disciple ni Master Chayd may matinding galit sa mga Japian...






================================================

Nakasalubong niya ang kanyang master chayd na pababa ng bundok... May dala siyang espada para sa kanyang master, ito'y gawa ni Ronio
kakashi288
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 1422
Joined: Sat Sep 29, 2007 12:51 am
Location: makati

Postby chayd on Mon Feb 23, 2009 12:50 am

"Pumunta ako sa bundok na ito upang hanapin ang Panday na si Ronio upang makabili ng espada
o kahit na maliit na patalim lamang, Ngunit hindi tinaggap ni ROnio ang aking Pera. Bigas
ang kanyang hinahanap. Ako si chayd isang dating mandirigma ng Zul, isa sa mga nakipag
laban sa mga Siv at Nim. Buhat nang maging payapa ang ating bansa ibinasura ko na ang
aking abilidad sa pakikipaglaban kasama ng aking espada, kaya ngayon wala akong magamit
laban sa mga Japian. Sila ang sumunog sa aking maliit na barangay. Nasabi mo pala na nag-iisa lamang ang iyong kasuotan, ganyan din ang sinabi ng aming manggagamot." sabi ni chayd

"Maari kayang siya ang dakilang si Dranyer? Imposible kitang kita ko nang masunog ang kanyang bahay habang ginagamot ang aking kapatid, Possible kayang buhay rin ang aking kapatid?" Bulong ni chayd sa kanyang sarili.

May dumating na isa pang binata at...

"Kakashi! anong ginagawa mo dito at bakit may dala-dala kang espada?" Tanong ni chayd.
User avatar
chayd
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 777
Joined: Thu Apr 26, 2007 4:45 am

Postby dranyer_14 on Mon Feb 23, 2009 11:10 am

chayd wrote:"Pumunta ako sa bundok na ito upang hanapin ang Panday na si Ronio upang makabili ng espada
o kahit na maliit na patalim lamang, Ngunit hindi tinaggap ni ROnio ang aking Pera. Bigas
ang kanyang hinahanap. Ako si chayd isang dating mandirigma ng Zul, isa sa mga nakipag
laban sa mga Siv at Nim. Buhat nang maging payapa ang ating bansa ibinasura ko na ang
aking abilidad sa pakikipaglaban kasama ng aking espada, kaya ngayon wala akong magamit
laban sa mga Japian. Sila ang sumunog sa aking maliit na barangay. Nasabi mo pala na nag-iisa lamang ang iyong kasuotan, ganyan din ang sinabi ng aming manggagamot." sabi ni chayd

"Maari kayang siya ang dakilang si Dranyer? Imposible kitang kita ko nang masunog ang kanyang bahay habang ginagamot ang aking kapatid, Possible kayang buhay rin ang aking kapatid?" Bulong ni chayd sa kanyang sarili.

May dumating na isa pang binata at...

"Kakashi! anong ginagawa mo dito at bakit may dala-dala kang espada?" Tanong ni chayd.


"Kung gayon, isa siyang mandirigma. Kitang kita sa kanyang palad ang marka ng dalubhasa sa espada. At ano pa ang espadang dala ng Kakashi-ng yan? Tila pagkabigat-bigat at hindi kayang buhatin", bulong ni Dranyer.

"Oo, tama ka. Nagiisa lang ang kasuotan na ito. Sandali, sinabi mong nasunog ang iyong maliit na baranggay? kung hindi ako nagkakamali, isa ka sa magigiting na clan ng Nirvana? Totoo ba ito? Kung ganon, ipakita mo ang patunay at nagiisang marka ng mandirigmang Nirvana!" sagot ni Dranyer.
dranyer_14
Level 1
Level 1
 
Posts: 14
Joined: Sun Oct 21, 2007 11:01 am

Postby chayd on Tue Feb 24, 2009 3:07 am

Mabilis na hinubad ni chayd ang kanyang damit. At isang malaking marka ang nakita ng dalawa sa likod ng binata. "Isa akong miyembro ng clan ng
Nirvana, isang Clan na maliit na nagmula rin sa malaking Clan ng ZUl."
sabi ni chayd. "Maari ko po bang tignan ang inyong palad?" dugtong na
tanong ni chayd.
User avatar
chayd
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 777
Joined: Thu Apr 26, 2007 4:45 am

Postby chayd on Tue Feb 24, 2009 3:10 am

* sa mga bagong sasali register muna kayo bago dumugtong sa kwento para di masyado magulo hehehe *


Post your Form first (to join)

IGN:
Clan: (Zul, Siv, Nim)
Age:
Character Description:
User avatar
chayd
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 777
Joined: Thu Apr 26, 2007 4:45 am

Postby Canaris on Tue Feb 24, 2009 3:58 am

Canaris
Japian

nakababatang kapatid ni Emok. ipinanganak sa mismong gabi kung kailan naging kulay dugo ang buwan, hudyat upang salakayin ng mga Japian ang mga Sanipian. di gaya ng kanyang nakatatandang kapatid, hindi niya hinahanap ang amoy ng dugo. ito ang malaking misteryong bumabalot sa kanyang katauhan na nagdulot ng pagdududa sa karamihan ng mga Japian.

-----------------------------

ito ang kanyang unang paglalakbay sa bansang Sanip. unang-una. ngunit parang napakatagal na nyang nakarating dito. kasama ang kanyang kuya Emok, tinahak nila ang mabato at matarik na daan patungo sa tuktok ng bundok Apayao.

napakainit ng panahon. masakit sa mata ang sinag ng araw. nakakapagod para sa katawan ng isang binatilyong hindi sanay sa digmaan. ngunit kailangan nyang sumunod sa bilis ng hukbo ng kanyang kuya. kung hindi...
Canaris
Level 1
Level 1
 
Posts: 2
Joined: Thu Oct 04, 2007 2:04 am

Postby yana on Tue Feb 24, 2009 4:07 am

IGN: Haring Bastos
Clan: Sentinel
Age: Unknown
Character Description:
Isang manlalakbay na napapadpad sa bansang ito. Nanggaling sa Lordaeron kung saan sya ang nakapila bilang susunod na hari ngunit ayon sa tradisyon ng mga Sentinel, kailangan syang dumaan sa mga pagsubok na makakamit lamang sa bansang Sapian.

Special Attributes:
Charisma at Comedian.
yana
 
Posts: 1
Joined: Sun Oct 26, 2008 2:06 am

Postby nhey on Tue Feb 24, 2009 4:19 am

IGN: Nhey
Clan: Nim
Age: 21
Character Description: Isang mandirigmang naghahanap ng katarungan para sa kaibigang nasawi sa laban ng Zul at Nim noong panahon ng kaguluhan sa bansa ng Sanip. Hinahanap ang mismong taong kumitil sa buhay ng kanyang matalik na kaibigan. Isang lalaki na may matatalim na mga mata.

==================================

Barangay Lut

==================================

"Itigil mo na ang iyong paghahanap sa Zulian na iyon, matagal nang natigil ang laban ng Zul, Nim at Siv. Mahalaga ang pagkakaisa nating mga Sanipian sa panahong ito." Sabi ng ama ni Nhey na si Floyd.
Pasigaw na sumagot ang binata "Kailangan kong mahanap ang taong iyon! Bago namatay si Ron ipinangako ko sa kanya na ipaghihiganti ko siya kahit anong mangyari, atsaka na ako lalaban sa mga Japian pagkatapos kong magawa ang aking misyon! aalis na ako! Paalam!"

At iniwan ni Nhey ang kanyang ama sa loob ng kuweba upang hanapin ang Zulian na kumitil ng buhay ni Ron.

May dalang malaking Palakol (ang tinatawag nilang Palakol ni Hudas).
Naglakbay si Nhey patungong Zul...
nhey
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 14
Joined: Sat Apr 28, 2007 12:20 am

Postby dranyer_14 on Tue Feb 24, 2009 5:21 am

chayd wrote:Mabilis na hinubad ni chayd ang kanyang damit. At isang malaking marka ang nakita ng dalawa sa likod ng binata. "Isa akong miyembro ng clan ng
Nirvana, isang Clan na maliit na nagmula rin sa malaking Clan ng ZUl."
sabi ni chayd. "Maari ko po bang tignan ang inyong palad?" dugtong na
tanong ni chayd.


"ang simoy ng bulaklak ng Lavender, ang marka tinik sa bawat daliri at ang init sa aking mga kamay ay nagpapatunay na ako, si Dranyer, ang nagiisang manggagamot sa Nirvana.... kaibigan.. ikinagagalak kong makita ang isa sa aking mga katribo", sagot ni Dranyer.

"isa ka ngang Nirvana, kapatid"
dranyer_14
Level 1
Level 1
 
Posts: 14
Joined: Sun Oct 21, 2007 11:01 am

Postby chayd on Tue Feb 24, 2009 5:28 am

"Dranyer! Ikaw nga!!! ang akala ko ay naubos na lahat ang aking mga katribo!, paano kang nakaligtas sa pagsunog na iyon gayong kitang kita ng aking dalawang mata na sinunog nila ang iyong bahay habang ginagamot mo ang aking nakababatang kapatid. Ang aking kapatid nakaligtas din ba siya?"
User avatar
chayd
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 777
Joined: Thu Apr 26, 2007 4:45 am

Postby dranyer_14 on Tue Feb 24, 2009 5:37 am

chayd wrote:"Dranyer! Ikaw nga!!! ang akala ko ay naubos na lahat ang aking mga katribo!, paano kang nakaligtas sa pagsunog na iyon gayong kitang kita ng aking dalawang mata na sinunog nila ang iyong bahay habang ginagamot mo ang aking nakababatang kapatid. Ang aking kapatid nakaligtas din ba siya?"


"ginamitan ko ng dahon ng gabi ang loob ng bahay para hindi masunog.
ngunit.... ang iyong kapatid......"

recall:

"ginagamot ko siya nang lumusob sa loob ang mga Japian. prinotektahan ko siya at natalo ko ang mga Japian. lumabas kami at dinala ko siya sa sapa. napansin kong humihina ang kanyang pulso at namumutla ang kanyang labi kaya binigyan ko siya ng tubig. ngunit....... ikinalulungkot ko kaibigan..."
dranyer_14
Level 1
Level 1
 
Posts: 14
Joined: Sun Oct 21, 2007 11:01 am

Postby chayd on Tue Feb 24, 2009 5:45 am

dranyer_14 wrote:
"ginamitan ko ng dahon ng gabi ang loob ng bahay para hindi masunog.
ngunit.... ang iyong kapatid......"

recall:

"ginagamot ko siya nang lumusob sa loob ang mga Japian. prinotektahan ko siya at natalo ko ang mga Japian. lumabas kami at dinala ko siya sa sapa. napansin kong humihina ang kanyang pulso at namumutla ang kanyang labi kaya binigyan ko siya ng tubig. ngunit....... ikinalulungkot ko kaibigan..."


"Ganoon ba?" Yumuko at nag-isip ang binata. "Sa bagay tanggap ko na rin ang kanyang pagkawala, ang hindi ko lang matanggap ay di ko man lang siya nabigyan ng maayos na burol at libingan." dugtong pa niya.

"Siya nga pala Dranyer ito ang aking tapat na kaibigan ngunit ang turing niya sa akin ay guro, siya si.... Kakashi?.... kakashiiiiii!!!"

Tingin sa kaliwa, sa kanan, ngunit di makita ni chayd si kakashi.
User avatar
chayd
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 777
Joined: Thu Apr 26, 2007 4:45 am

Postby nhey on Tue Feb 24, 2009 6:42 am

Samantala sa paglalakbay ni nhey ay nakarating siya sa isang lugar na kung tawagin ay Margot.

===================================
Margot
===================================

"Mukhang may nagbabantang panganib sa akin dahil namumula na naman ang aking Palakol. Kailangang mag-ingat." Bulong sa sarili ni nhey.

Habang naglalakad ang mandirigmang si nhey ay may narinig siyang sigawan at iyakan ng mga babae. Sa bandang kaliwa nanggagaling ang ingay kaya dali-dali itong tumakbo pakaliwa upang malaman ang dahilan ng sigawan at iyakan ng mga babae.

Kitang kita ni nhey ang tatlong babae na hubad na hubad habang pinaglalaruan at sinasamantala ng mga anim na Japian.

Pumikit ang mandirigmang si nhey at nadudurog ang kanyang puso sa naririnig na iyak ng mga dalaga. Nag-iisip ng stratehiya kung paano talunin ang anim na mga mapagsamantala.

Sinabi sa sarili ni Nhey "hindi ito ang pakay ko pero lalamunin ako ng konsensiya ko kung wala akong gagawin"

Binato ni nhey ang isa sa mga Japian. Mabilis na tumakbong pakanan si nhey dahil alam niyang lalapit ang isa o dalawa sa mga ito.

lumapit ang dalawang Japian ngunit wala na roon si nhey. Biglang lumabas sa likuran ng natitira pang apat na Japian ang mandirigmang si nhey, inilabas ang kanyang palakol at walang kahirap hirap niyang napaslang ang dalawa at ang dalawa naman ay nakaiwas. Itinira ng Nasa kanang Japian ang kanyang espada ngunit madali itong nailagan sa taglay niyang bilis di man lang napansin ng isang Japian na nakasaksak na sa kanya ang Palakol. Pulang-pula ang palakol ni nhey ngunit hindi dahil sa dugo kundi dahil sa natural nitong kulay kapag may labanan. Nagtangkang tumakas ang isa sa apat na Japian ngunit hindi ito pinalampas ni nhey hinabol niya ito ng walang kahirap hirap at pinugutan ng ulo.

Bumalik ang dalawang Japian ngunit di na nakalapit dahil nakita nila na patay na ang apat nilang kasama. Kung gugustuhin lang ni nhey na tapusin ang dalawa ay magagawa niya. Hinayaan niya silang makatakas upang ikalat nila ang kanilang nakita at magkaroon man lang ng takot ang bawat Japian na makarinig sa ikukuwento ng dalawa.

"bakit mo sila hinayaan na makatakas?" tanong ng isa sa mga dalaga na kasalukuyang nagsusuot ng kanyang damit.

"Upang ma-ikalat nila na may Sanipian paring handang lumaban sa kanila" sagot ng mandirigma.

"ngunit kahit isa na lang sana ang iyong pinatakas!, maari mo pang tapusin ang isa ngunit bakit hindi mo ginawa? kitang kita mo ang ginawa sa amin ng isa sa mga nakatakas!" sigaw pa ng isang babae na nanginginig pa rin sa takot

"Hangal! pasalamat ka na lang at nailigtas ko pa kayo! hindi paniniwalaan ng mga nakakarinig na Japian ang isang Japian na magkukuwento tungkol sa mga naganap ngayon! Umalis na kayo!" Sigaw ni nhey.

At nagpatuloy ang kanyang paglalakbay...
nhey
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 14
Joined: Sat Apr 28, 2007 12:20 am

Postby dranyer_14 on Tue Feb 24, 2009 12:29 pm

chayd wrote:
dranyer_14 wrote:
"ginamitan ko ng dahon ng gabi ang loob ng bahay para hindi masunog.
ngunit.... ang iyong kapatid......"

recall:

"ginagamot ko siya nang lumusob sa loob ang mga Japian. prinotektahan ko siya at natalo ko ang mga Japian. lumabas kami at dinala ko siya sa sapa. napansin kong humihina ang kanyang pulso at namumutla ang kanyang labi kaya binigyan ko siya ng tubig. ngunit....... ikinalulungkot ko kaibigan..."


"Ganoon ba?" Yumuko at nag-isip ang binata. "Sa bagay tanggap ko na rin ang kanyang pagkawala, ang hindi ko lang matanggap ay di ko man lang siya nabigyan ng maayos na burol at libingan." dugtong pa niya.

"Siya nga pala Dranyer ito ang aking tapat na kaibigan ngunit ang turing niya sa akin ay guro, siya si.... Kakashi?.... kakashiiiiii!!!"

Tingin sa kaliwa, sa kanan, ngunit di makita ni chayd si kakashi.


"......."

"ahh ang iyong kaibigan? napansin kong pagod na pagod nung dalhin nya ang iyong espada. chayd, maaari ko bang mahawakan ang espadang bigay ng iyong kaibigan?"
dranyer_14
Level 1
Level 1
 
Posts: 14
Joined: Sun Oct 21, 2007 11:01 am

Postby chayd on Wed Feb 25, 2009 12:35 am

at iniabot ni chayd ang espadang dala-dala ni kakashi.

Di mapakali si chayd sapagkat di malaman ang dahilan kung bakit bigla na lamang nawala sa paningin niya ang batang si kakashi, samantalang di lang basta-basta umaalis si kakashi ng di nagpapaalam sa tinuturing niyang guro.
User avatar
chayd
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 777
Joined: Thu Apr 26, 2007 4:45 am

Postby dranyer_14 on Wed Feb 25, 2009 7:32 am

chayd wrote:at iniabot ni chayd ang espadang dala-dala ni kakashi.

Di mapakali si chayd sapagkat di malaman ang dahilan kung bakit bigla na lamang nawala sa paningin niya ang batang si kakashi, samantalang di lang basta-basta umaalis si kakashi ng di nagpapaalam sa tinuturing niyang guro.


"hmmmpp!, aba, san ba galing tong espadang to? pano nya nabubuhat ang ganitong armas gamit ang isang kamay lamang?", bulong ni Dranyer

"hhhhmmmmmeejo may kabigatan pala sandata mo kaibigan, maaari ko bang malaman kung sino ang naghubog nito?"
dranyer_14
Level 1
Level 1
 
Posts: 14
Joined: Sun Oct 21, 2007 11:01 am

Postby chayd on Thu Feb 26, 2009 11:43 pm

"dala dala yan ni kakashi pero di ko malaman kung nasaan na siya" sagot ni chayd habang patingin tingin sa kaliwa at sa kanan.
User avatar
chayd
Site Admin
Site Admin
 
Posts: 777
Joined: Thu Apr 26, 2007 4:45 am

Postby dranyer_14 on Fri Feb 27, 2009 12:21 pm

chayd wrote:"dala dala yan ni kakashi pero di ko malaman kung nasaan na siya" sagot ni chayd habang patingin tingin sa kaliwa at sa kanan.

"hindi ako magtataka kung malakas na mandirigma ka, natural yata yan sa mga Nirvana. Nais mo bang makita mga sandata ko?"
dranyer_14
Level 1
Level 1
 
Posts: 14
Joined: Sun Oct 21, 2007 11:01 am

Next

Return to PD ROLE PLAYING GAMES

Who is online

Users browsing this forum: No registered users and 0 guests

cron